free hit counter

na ang napadpad dito simula noong Oct17,2k6 02:13pm

Paunawa: Ang weblog na ito ay mas maganda kung titignan sa Mozilla Firefox. Wala ka nun? I-click mo lang ito at magdownload

Sino ba ang tunay na number one?

Ang Proyekto

Nang nagsimulang magkasaysay ang buhay ng mga kabataan ngayon, buhay na buhay na ang labanan sa pagitan ng dalawang estasyon sa telebisyon, ang ABS-CBN at ang GMA. Lahat ng sikat at popular na palabas, na artista, nandirito sa dalawang estasyong ito. Ngunit hinding-hindi talaga masasabing ang isa ay as lamang sa kabila. Marami na tayong napapakinggan na ang taas daw ng ratings ng palabas na ito, o kaya’y mas maraming nanonood ng estasyong ito. Sari-saring mga angkin mula sa dalawang magkalabang estasyon.

Sa proyektong ito para sa PanPil17, napag-isipan ng grupo na pag-aralan ang labanan sa pagiging popular nitong dalawang estasyon. Ano ba ang mga sikat na palabas ngayon o kaya ay iyong mga palabas na pinapanood ng mga tao sa dalawang estasyon? Ano kaya ang batayan kung bakit nagiging sikat ang isang palabas? Dahil ba ito sa istorya mismo? O di kaya’y sa mga artista na gumaganap ng mga tauhan sa palabas? Totoo bang mas mataas ang ratings ng isang estasyon pag ikinumpara sa kabila? Ito’y mga tanong na gustong masagot ng grupong ito.

Sa pag-aaral na ito, nagkaroon ng interbyu ang grupo sa UP Diliman kung saan itinanong nila ang mga tao doon kung ano ang mga paborito nilang palabas sa Primetime Bida ng ABS-CBN at sa GMA Telebabad. Tinanong din ng grupo kung bakit nila nagustuhan ang palabas na ito at kung bakit pinili nila ang estasyong iyon. At sa mga naiterbyu nila, titingnan nila kung saang estasyon ang mas maraming manonood na humahanga. Dito na nila ibabase kung saang estasyon ang mas popular sa mga Pilipino ngayon.

Mga Konsepto

Maipapasok dito ang konsepto ng batayan sa pagiging popular. Matatandaan na napagusapan sa klase ang mga salik sa pagiging popular ng isang bagay o ng isang palabas. Kasama sa mga ito ang pagkapatok sa masa, na sinubukang palitawin ng grupo sa pamamagitan ng pagiinterview sa mga ordinaryong mamamayan na nakakasalubong lamang natin araw araw.

Bakit weblog ang napiling medium?

Weblog ang napiling medium ng grupo dahil sa panahon ngayon ng Computer Age, madali nang makapagbigay ng impormasyon gamit ang Internet. Gusto rin palitawin ng grupo ang maraming posibilidad na matutuklasan sa paggamit ng Internet. Makikita rin dito ang pagiging walang katapusan ng Web dahil sa bawat pagpindot mo sa mga links, ikaw ay madadala sa iba nanamang site.